2 pulis, 1 taga-LTO na walang helmet natimbog
Hindi nakalusot ang dalawang kagawad ng Philippine National Police (PNP) at isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) nang arestuhin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa lungsod Quezon kahapon
Dinakip ng mga kawani ng National Capital Region-Highway Patrol Group (NCR-HPG) si PO1 Harry Pardo Menendez, na nakatalaga sa Maritime group ng Sebastian, Hagonoy, Bulacan, na nagmamaneho ng Yamaha MIO na walang helmet at driver’s license; gayundin ang paglabag ni PO2 Nelson Villas na nakatalaga sa QCPD Station 7, ng Road 1 West Crame, Quezon City, na nagmamaneho naman ng Honda Wave; habang Rusi motorcycle naman ang minamaneho ng empleyado ng LTO District Office Quezon City na si Orlando De Guzman, ng 1st St., Avenue, Quezon City, na walang helmet, walang driver’s license at walang plate number ang gamit nitong motorsiklo.
Nahuli sa Santolan, EDSA sa harap lamang ng Gate 3 ng Camp Crame, kasabay ng kautusan ni PNP Chief Nicanor Bartolome kahapon na muling pag-ibayuhin ang pagpapatupad sa batas trapiko na ang nasampolan ay ang tatlo.
SALUDO AKO SAU
PNP Chief Nicanor Bartolome
sana lang mag tuloy2 ang ganyan gawain...para walang maangaz na pulis,lto,tpmo etc....
BATAS AY BATAS....