Mga Paalala ukol sa:
EDSA Motorcycle Lane
1. Ano nga ba ang Motorcycle Lane o Blue Lane?
Ang Motorcycle Lane o Blue Lane ang siyang itinalagang lugar na dapat daanan ng mga motorsiklo sa isang kalsada.
2. Mayroon bang Motorcycle Lane sa EDSA? Saan ito matatagpuan?
Ay Blue Lane o Motorcycle Lane sa EDSA ay makikita sa 4th (ika-apat) lane mula sa kanang bangketa, Northbound at Southbound, magmula sa Monumento sa lungsod ng Caloocan hanggang SM Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.
3. Motorsiklo at Scooters lamang ba ang maaaring dumaan sa Motorcycle Lane?
Hindi. Ito ay hindi eksklusibo para lamang sa mga nagmomotor. Maaari rin itong daanan ng mga pampribadong sasakyan maliban sa mga City Buses.
4. Pwede bang lumayo o umalis sa Motorcycle Lane ang mga nagmomotor?
Oo. Ang mga nagmomotor ay maaaring umalis o lumayo mula sa Motorcycle Lane kung sila ay liliko o magu-U-turn sa mga awtorisadong kalsada o U-turn slots. Subalit, kailangang gawin nila ito ng dahan dahan habang nagpapakita ng mga nararapat na senyales. Ang biglaang pag-swerve o paglipat ng lane ay mahigpit na ipinagbabawal.
5. Saan at kalian magsisimulang lumihis ng lane ang mga motorsiklo kung sila ay liliko o magu-U-turn?
Kung ang mga Motorcycle Users ay liliko o magu-U-turn, maaari nilang simulan ang paglipat ng lane 200 (dalawandaan) metro bago umabot sa kalyeng paglilikuan.
6. Kailan sisimulan ang pagpapatupad ng Motorcycle Lane sa EDSA?
February 14 – 17, 2012 Dry Run Period (Warning with 10 – minute on-the-spot seminar)
February 20 onwards Formal Implementation with penalty
7. Anu-anong klase ng paglabag ang dapat iwasan ng mga nag-momotor?
Para sa mga nagmomotor, laging iwasan ang mga sumusunod na paglabag:
Uri ng Paglabag Multa
Pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak o ipinagbabawal na gamot P2,000
Paggamit ng cellphone habang nag-momotor P200
Hindi pagsusuot ng helmet P150
Overloading P150
Hindi paggamit ng headlight habang nagmamaneho P150
Sirang headlight, tail light, signal light, brake light, side mirror, at busina P150
Illegal na pag-modify o pagbago ng anumang parte ng motor P500
Pagmamaneho ng motor ng naka-sando/shorts/sandals/tsinelas/o naka-paa P300
Pagmamaneho ng motor na walang plaka P150
Hindi paggamit ng Motorcycle Lane/Hindi awtorisadong paglayo o pag-alis sa Motorcycle Lane) P500
8. Kung ako ay mahuhuli, paano ko babayaran ang multa?
Kung kayo ay mahuhuli, mangayari lamang na bayaran ang multa sa pinakamalapit na branch ng Metrobank ng hindi lalampas sa pitong araw matapos matiketan. Kung hindi naman, dumiretso sa 6th Floor, Treasury Division ng MMDA Office sa Orense St. Makati City at ipakita ang inyong tiket kasama ng inyong kabayaran.