red_is_karma said:
kung daily use ung bike wag synthetic gamitin nyo... kasi masisira talaga promise,, pero kung pang racing nyo ung bike nyo pwede po yata synthetic gamitin... un po ung alam ko...
Tol, medyo share ko lang whatever little knowledge I have on the ill effects of fully-synthetic oils on wet-type clutch.
Most underbone bikes have what is called "Wet-type clutch".
Pag bukas ang clutch assembly, mapapansin ninyo na may mallit na basin sa ibaba ng clutch lining. May langis sa basin na ito at halos kalahati ng clutch lining ay nakababad sa langis at any given time.
Medyo mas matapang ang chemical components ng synthetic oil compared sa mineral at synthetic-based oil. Dahil palaging nakababad ang clutch lining sa matapang na synthetic oil, mas madaling nasisira ang clutch lining kaysa sa nakababad lang sa mineral oil. Ergo, mas umiikli ang life span ng clutch lining.
Sa mga race bikes, talagang synthetic oil ang gamit for optimum performance. Bear in mind though that sa race bikes, halos lahat ng consumables ay minsan lang ginagamit. Palit lang ng palit ng consumables ang mga ito after every race.
My two cents lang po.