sir greyan25 ako po na ka stock swing arm din.. ok lang naman siya gamitin maganda din naman tingnan...nasa nag kakabit lang yan sa totoo lang sir marami niyan nag lalagay sa caloocan pero ingat ka marami din pera or labor lang habol nila kaya pagawa ka sa magaling... ako kasi naranansan ko na rin yan kaya ako nalang mismo ang nag kabit sa akin me mga gamit naman ako sa bahay kasi ehh.. eto mga pwede mong bilhin kung saka sakali...
kawasaki hd3 hubs 1 pc (yung mga pang tricycle) 230 lang yata yun
4 pcs hi tensile bolt with nuts and flat washer 3.5 inches ang haba and 80x90 yata yung treads niya di aabot ng 100 pesos yun
1 set of rear caliper and master 2k yata depende sa seller
1 pcs of disc rotor ng pang mio kahit 2nd hand lang ok na yun basta maganda pa.. nakabili ako niyan sa bulacan worth 200 lang sa mga surplus lang pero maganda pa
note: mas ok kung naka rear set ka na....