• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Guys Anong Gasolina Pinapainom Niyo Sa Mot2x Nyo? :)

Jerick

Member
guys, anong gasolina pinapainom niyo sa mga bikes nyo? akin kasi is Gold Techron ng Caltex kayo po?
 

Jerick

Member
sir, totoo ba na mas mganda performance ng blaze?
akala ko kasi lahat gasolina magkaparehas lang. haha
 

enjei_blessed

Super Veteran
magkakaparehas naman tlga sila.. kanya kanya lang sila ng pakulo para bumenta dba? naka attend kasi me ng seminar ng petron.. ang natutunan ko lecture dun ung sa blaze 100.. 100% Octane rating means 100% na nasusunog lahat nang gas.. ung xsc 95% meaning my 5% pang tira pero ok na din un.. sabe pa nila kapag 100% nasusunog ung gas mas maganda or powerful ung response ng sasakyan natin.. ;)
 

Jerick

Member
okay, i'll go for petron blaze na, base sa mga other forums, blaze daw maganda kung power. thank you si enjei_blessed ,. pero paps, may laman pa kasi na techron ung tanke ng sasakyan ko, okay lang ba lagyan agad? or pag 1 or 1/2 bar nlang ang naiwan bago ko lagyan ng blaze?
 

enjei_blessed

Super Veteran
ayun din ung tanung ko sa petron kung ok lang pagsamahin ung ibang gas sa ibang gas.. sbe nila ok lang din nman.. un nga lang for example kapag xcs 95% and blaze 100% octane rating ang pinagsama mo.. d mo maatain ung 100% octane rating kasi nga nagsama sila.. pero SAFE parin naman.. safe naman lahat pagsama samahin ung mga gas.. wag lang deisel and unleaded ibang usapan na yun hehe ok :thumbsup:
 

Jerick

Member
cguro ipapa ubos ko muna or iiwanan ko konti ung maka point lang ung arrow sa E then lalagay na ako blaze.
 

Paladin

Super Veteran
Blaze 100 maganda ang response ng motor kasi nga nasusunog lahat ng gasolina. Pero tandaan nating mas mataas ang octane rating mas mainit din ang makina. Sa experience ko mabilis mapundi and spark plug ko. Denso iridium power pa ang gamit ko noon. Maganda ang blaze 100 pero ingat din tayo sa overheat lalo na sa mga naka steal bore at ibang MC na air cooled lang.
 

macoolet

Super Veteran
sakin kahit ano unleaded,premium,vpower,xcs,blaze,gold,silver,wag lang regular,diesel o gaas...pag special na takbo,ibang gasolina ginagamit ko
 

Jonaz

New Member
Blaze 100 maganda ang response ng motor kasi nga nasusunog lahat ng gasolina. Pero tandaan nating mas mataas ang octane rating mas mainit din ang makina. Sa experience ko mabilis mapundi and spark plug ko. Denso iridium power pa ang gamit ko noon. Maganda ang blaze 100 pero ingat din tayo sa overheat lalo na sa mga naka steal bore at ibang MC na air cooled lang.
yan din yung nangyari sakin nung blaze pa gamit ko.. na pundi yung spark plug ko.. mas ok pa unleaded eh..
 

jcm1130

Super Veteran
Caltex Gold current user.. ganda kulay ng spark plug.. malinis yung porcelane part nya.. dati Shell V-Power at premium, sunog kulay ng spark plug.. XCS naman, ok din kaso ayoko amoy sa tambutso. mabaho.. nagtry din ako small players, di nako bumalik. mahina pick up ng motor at parang may iba sound tik, tik, tik. HTH.. :)
 
Top