• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Helmet Law Drive Starts Next Week

JhayBoo

Super Veteran
i have a question, kung ang helmet ay may ICC sticker na nung binili, need pa ba magpunta sa DTI for another ICC Sticker? parang may control number ata yung mga stickers eh..
no need na pare..bsta meron ICC sticker yung helmet mo pag bili mo, ur good to go na! no need to register pare, lalo na kng kasama sa listahan nila sa mga approved helmets..ride safe bro!
 
JhayBoo

Super Veteran
From MRO:​

Pinagbigyan ng Land Transportation Office (LTO) ang hirit ng Department of Trade and Industry at ng grupong Motorcycle Rights Organization na ipagpaliban ang pagpapatupad ng Motorcycle Helmet Law sa Miyerkules, Agosto 1.​

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni LTO Chief Virginia Torres na mismong si Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretarty Mar Roxas ang nagsabing kailangan muna ang malawakang kampanya hinggil dito.​

"Kaya ipino-postpone pa po ang implementing rules and regulations (IRR) na ginawa ng DTI at ng LTO at yan ay hindi pa ipapatupad doon sa mga standard helmet'.

"Sabi po ng ating secretary ay hindi pa po ito ipapatupad dahil kulang pa sa mga advertisement, sa mga pronouncement kaya minarapat ng DTI at LTO na magkaroon muna ng postponement."

Binanggit naman ni Torres na bagama't nanghuhuli na sila ng mga hindi naka-helmet, binabalewala naman nila ang requirement na ICC marks.

"Ang LTO po naman ay nanghuhuli ng mga hindi naka-helmet although we do not care for the standard now para sa proteksyon din po ng ating taumbayan na kahit anong helmet po ay pwede muna nilang gamitin," ani Torres.

Inamin ni Torres na mas marami na ang bilang ng mga motorsiklo at tricycle na nakarehistro ngayon sa LTO sa buong bansa.

Aniya, "Sa buong Pilipinas ay 53% ng 7.7 million registered motor vehicles in our office ay motorcycles that includes motorized tricycles."

30% aniya ng 7.7 milyong sasakyan na ito ay mga motorsiklo at tricycle ay dito lang sa Metro Manila matatagpuan.

COPY UPDATE FROM Don Jansen G. Eda of MRO​

(Update): Para sa kaalaman ng mga kapatid sa MRO/PHLRC. Postponed na po ang Republic Act No. 10054 - Motorcycle Helmet Act. Hindi pa ito ipapatupad dahil kulang pa sa mga advertisement, sa mga pronouncement kaya minarapat ng DTI at LTO na magkaroon muna ng postponement. Gayunman, magkakaroon pa rin ng panghuhuli, ito naman ay para sa mga hindi nagsusuot ng helmet. Binabalewala na ang requirement na ICC marks.​
Magandang HAPON, mga kapatid, at ingat lagi sa pagmamaneho.

​
Good News: Apprehension of Motorcycle Users/Riders without ICC Sticker on their Helmets have been deferred till Dec 31,2012 as per LTO Central Office. However, apprehension of mc riders/users without mc helmet is on, so wear your motorcycle helmets on your head para di mahuli. This deferment is not a signal for riders/users to stop having their mc helmets validated by DTI/BPS. Please continue to have your Mc Helmets validated to avoid the last minute rush of which Juan Dela Cruz is fond of. A public service of: MOTORSIKLO XKLUSIBO

credit goes to botsok
​
​
 
jcm1130

Super Veteran
so til dec 31, 2012 ang palugit nila.. dami na tym makapagpalagay ng sticker..
ala din kasi sa list ang helmet ko.. sana maaprub na lang ng DTI kundi, buy na naman.. hayss..
atlis full face parin..
 
ang masama jan, pano pag hindi na nag issue ang DTI ng mga sticker i mean,. hindi mo na toh pwde bilihin or hinigin, ang gusto nila mangyari
dapat pag bli ng helmet meron ng ICC na sticker..
 
JhayBoo

Super Veteran
update guys,
Save ninyo at print nyo para meron kayong Black and white copy
or save ninyo sa cp nyo, just incase meron mag trip, sampal mo sknla..hahaha

share ko lang

524520_300707083359994_416740729_n.jpg
 
jcm1130

Super Veteran
ang masama jan, pano pag hindi na nag issue ang DTI ng mga sticker i mean,. hindi mo na toh pwde bilihin or hinigin, ang gusto nila mangyari
dapat pag bli ng helmet meron ng ICC na sticker..
uu nga.. anti poor parin pag nagkataon.. :mad:
 
Sonnyjha

Super Veteran
mga brp bka pede ntin list d2 ung list ng helmet brands at type na inaaprobe ng DTI bka ndi nman aksaya oras pag punta ntin dun..

Brand / Type of Helmet Acknowledge by DTI for ICC sticker??
1. AGV / Model type?? - Price ???
2. LS2 / Model type?? - Price???
 
bro ito ang kasagutan sa tanung mo.
ito ang buong listahan:

177092_274939535946313_377618022_o dti helmets.jpg
 
Koreakitz

Veteran
mga brp bka pede ntin list d2 ung list ng helmet brands at type na inaaprobe ng DTI bka ndi nman aksaya oras pag punta ntin dun..

Brand / Type of Helmet Acknowledge by DTI for ICC sticker??
1. AGV / Model type?? - Price ???
2. LS2 / Model type?? - Price???
3.zeus
4.nolan
5.caberg
6.shoei
7.spyder
8.hjc
yan nakita ko sa motoworld na my mga sticker ng icc
 
hunter

New Member
masarap parin mg motor lalo na sa manila kahit ginaganito tyo cheer lang tyo mga riders...

icipin na lng natin na mas ma swerte parin tyo sa mga nka private 4 wheel like car, suv, van, etc

dahil sa sobrang trapic sa metro manila... na itanong ko sa sarili ko

" NA EENJOY BA NILA YUN KANILANG KOTSE SA GITNA NG TRAFFIC????"

mas masarap parin mg motor kesa sa private 4 wheel:p
pagalingan na lng sumingit hehehe.....
 
BHER

Super Veteran
branded na aprove sa DTI meron SPYDER or LS2

sa halagang 2000 makakabili na ng brand na yan.

ang penalty yata is P1,500 "pls correct me if im wrong":D

siguro naman hindi na masama sa budget ang P2,000 para makabili ng bagong hellmet na my sticker ng ICC

kesa pinagtyatyagaan ang hellmet na walang ICC at wala sa list ng DTI.

wag panghinayangan kung gagastos ng 2k para sa bagong hellmet:D

may bagong hellmet kana, may sticker pa. :D.

less time para kumuha ng sticker, less worry pa :D

just my 2 cents:D
 
Sidro

Super Veteran
update guys,
Save ninyo at print nyo para meron kayong Black and white copy
or save ninyo sa cp nyo, just incase meron mag trip, sampal mo sknla..hahaha

share ko lang

View attachment 20005
boss jhayboo baka meron ka dyan pdf na copy nito?,, TIA:)

regarding sa ICC sticker, sana magtalaga sila ng authorized branches na mag qualify and magdikit ng sticker sa helmet bawat city,, para sa mga malalayong lugar pa manggagaling, haba ng pila sa office nila. parang may bigayan ng relief goods sa edsa..:D
 
natawa nga ako sa npanood ko sa TV eh ung helmet ung nkapila sa arawan haha.. may mga tropa nba kayo nka experience na ndi na approve ung helmet nya? kwento nman jan..
 
mattcptech

Member
afaik : ayon sa aking pagsasaliksik, at obserbasyon mga papsy, eh basta kompleto ang mga padding ng helmet nio, kahit may mga gasgas na nga yung iba eh naapproved pa rin ng dti, depende siguro sa inspector ng dti.
kahit nga walang visor naaproved pa din, kahit galing pa kung saan basta may padding, approved.

ICC : Import Commodity Clearance?
 
Top