• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

looking for JCHRIS1124

jmoquin

Super Veteran
@bostok try mong tignan yung post ni jchriss sa seller feedback sa mga buyers...dun mo mababasa history nyan...
 

lml_sete

Super Veteran
Matinding banatan pala dun sa customer feedback kaya ito nag hu-hunting na yung thread starter lagot..

Dipa nagpapa ramdam si Jchriss
 

jchris1124

Super Veteran
Pasensya na kung ngayon lang ako nakasagot sa mga paratang sakin
Una sa lahat salamat sa mga taong nagtiwala at nagtitiwala sakin,kilala nyo na kung sino2 kayo,nakakatuwa lang kasi kahit sobra2 na kong sinisira e nandyan pa din kayo para ipagtanggol ako,sa totoo lang wala akong balak sumagot pa para hindi na lang lumaki ang issue,pero maraming nagsabi sakin na dapat ko daw ipaliwanag ang side ko,share ko ung nangyari
 

jchris1124

Super Veteran
Nagkakilala kami ni LIVESTRONGACE nung may eb ang bulacan chapter,nakatambay kami at may kadeal sya na kasama namin,tapos nagpakilala kami dahil t135 nga din sya,binigay ko ang number ko sa kanya para pag may kelangan sya na parts baka matulungan ko sya,natapos dun ung usapan namin
Isang eb nyt sa total tumawag sya sakin,nakita nya sa t135 na nagbebenta ko ng reardisk kit,nagtanong sya kung magkano daw ba magagastos pag nagpaconvert ng reardisk kasi muntik na daw syang mabangga dahil mahina ang preno nya,aun binigyan ko sya ng quotation ng mga kelangan nya at willing akong samahan sya sa kilala kong magcconvert
 

jchris1124

Super Veteran
After ng usapan tatawagan daw nya ko pag sigurado na kukuha sya,so isang araw nagtxt sya na kukuha na daw sya sa date na sinabi nya,sabi ko sigurado bang kukunin mo dahil hindi ako kumukuha sa supplier kung hindi sure buy dahil hindi ko na mababalik ung item,small time seller lang ako,walang malaking puhunan
Bago ako kumuha ng reardisk nya tinawagan ko pa sya para iconfirm,sabi nya oo daw bukas ng umaga magkita kami para kunin nya at samahan ko daw sya sa magcconvert,so closed deal na talaga kami,umaga nagtxt sya na mga after lunch na lang daw kasi may work pa sya,sabi ko ok lang magtxt ka kung wat time talaga
 

jchris1124

Super Veteran
Hapon na wala syang txt sakin,inabot ng gabi,ngtxt ako wala syang reply,tinatawagan ko walang sumasagot,kinabukasan ganun pa rin ang nangyari,maghapon ako txt ng txt ata tawag ng tawag,tumagal ng mga 3 araw,sa isip ko wala na talaga,pero ang sa akin lang sabihin na lang nya sakin kung hindi na nya kukunin,kung ano man reason rerespetuhin ko un,
tapos 4th day nagtry pa din ako tawagan sya,may sumagot,oficem8 daw nya at wala daw si ACE at inutusan ng amo nila,sabi ko pakisabi pag bumalik itxt ako,ok daw...umabot ng gabi wala pa din txt,tawag ulit ako sinagot pero hindi nagsasalita,inabot siguro nga mga 20min. Ung tawag hindi sya nagsasalit,the next day ganun pa rin,sasagutin nya tawag ko pero hindi nagsasalita
 

jchris1124

Super Veteran
Almost a week na,gipit na ko sa pera dahil naipit ang pera ko sa item nya,sa inis ko naisip kong i.warn ang mga kapwa ko seller regarding sa nangyari sakin,alam ko may mali din sa ginawa ko pero gusto ko lang din tulungan ang ibang small time seller na namumuhunan ng maliit para hindi sila matulad sakin,may mga nagcomment din na may ganun daw talagang buyer,ang point ko lang naman hindi aabot sa ganun kung nagtxt sya na "pare pasensya na di ko na muna kukuhanin ung order ko" so tapos na sana,
 

jchris1124

Super Veteran
E ang nangyari is ako naman si tanga na tawag ng tawag,txt ng txt para alamin kung kukunin pa ba,hindi ako mangungulit ng ganun kung sinabi sa akin na hindi na lang nya kukunin,dahil sa nangyari na un naging lesson na sakin na wag basta2 makipagclose deal hanggat hindi sigurado,alam yan ng mga naging customer ko,TRUST yan ang puhunan ko dito
Parang sinusugal ko ang pera ko para ipuhunan sa item na baka hindi kunin ng buye
Alam ng mga nag.iinquire at naging buyer ko na kung anong klase akong tao,oo alam ko din na hindi lahat ng naging transaction ko e 100% satisfied,i cannot please everybody
May nakadeal din po ako na nagkaron ng problema,ang mga item ko kasi kinukuha ko lang sa shop na kilala ko,regarding kay kilbz at sa front shox housing,nagkamali din ako at ung kinuhanan ko,akala namin ay same ang pang mio1 at soul,kahit siguro ung iba satin un ang akala
 

jchris1124

Super Veteran
I admit nagkamali ako,nagPM ako kay kilbz na ipaLBC nya pabalik sakin at papalitan ko ng tama pero ala ko nareceive na feedback sa kanya,sa iba pang nagcomment sakin salamat na rin,pero sana wag nyo akong husgahan kung hindi nyo alam ang totoong kwento,pero nandun pa rin ang respeto ko sa inyo
Hindi po kasi ako ung taong makikipag sabayan sa mga taong galit sakin,sa buong buhay ko wala akong naging kaaway na umabot sa babantaan ako na mag.iingat ako,na para kong kriminal na pinapaliit ang mundo ko,unang una wala akong mabigat na kasalanan para pagbantaan mo ng ganyan,bakit ba ganyan ang galit mo sakin? Sinabi ko lang ang hinanakit ko sa ginawa mo sakin
 

jchris1124

Super Veteran
siguro ang naging dating sau e naoffend ka,pasensya na sa nasabi ko sa thread na to,kung nagkamali man ako,pero siguro hindi naman tama na ganituhin mo ko,ang mga PM mo sakin parang gusto mo kong ipapatay o ipanakaw ang motor ko,pero di ako natatakot dahil alam kong hindi ganun kalaki ang atraso ko sau,sana sa mga makakabasa nito makita nyo kung sino talaga ang dapat nyo paniwalaan

Salamat talaga sa mga taong naniniwala pa rin sakin,sa mga kaibigan ko na nakasama at nakilala ko dito sa t135
Kung hindi pa rin matatapos after ng sagot ko na to wala na kong magagawa,basta kung may masama mang mangyari sakin ikaw lang ung taong may galit ng ganito...jchris1124
 

sniper135lc

Super Veteran
yun naman pala kaya dapat yung mga buyer dapat alam nyo rin yung binibili nyo. lets help each other kasi yun naman ang purpose ng site na ito eh. hindi yung puro crab mentality maayos naman yan kung mag uusap ng mabuti eh. up for sir jchris1124
 

kim19

Super Veteran
magulang at magulo kang kausap yan ang dapat mong baguhin.
pati init ng ulo mo bawasan mo seller ka pag tinira kana sa forum
naghahanap kana ng kakampi di ko pa nakakalimutan ginawa mo sa akin.
 
Top