A POEM BY KAYODE
dati rati ako ay masaya na
kuntento na sa kotse kong dala
dahil ako'y nakakapag liwaliw
kasama ng aking ginigiliw.
ngunit isang araw ako'y niyaya
isang malaking t135 ride kasama ang tropa
pero dahil wala pa ako sniper na motor
sa tropa ko ako'y umarbor.
dun ko na napansin at nadarama
ang sniper pag sinakyan napaka ginhawa
napakabilis pa nitong tumakbo
swak na swak sa panlasa ko.
kaya agad napag isipan
sniper na motor ako ay mapagbilhan
dahil bigla akong naadik
hinanap hanap ang ride na animo'y presong sabik.
sa ngayon ang irog koy medyo nagtatampo na
dahil nabawasan na ang mga panahong kami ay nagsasama
at napapakamot na ng ulo si esmi
sa laki ng gastos ng sniper kong si barbie.
ngunit kahit ano pa man ang mangyari
umulan bumagyo ako'y maglalagi
sa pag modify at beautify sa motor
depensa na rin to.. nang mahiya mga taong gusto umarbor.
salamat yamaha sa motor na sniper
ako ngayon ay certified long route rider
ngunit gano man kalayo ang ride di ko yun inaalintana
dahil sobrang ganda, bilis, at porma ng sniper kong dala-dala.
- kayode