• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Newbie Question Post It Here!!! [part V]

Status
Not open for further replies.

thon

Super Veteran
tanong po ulit sir sabi mo pagfast charging kailangan battery operated ka pwede kaya kung hindi naka fast charge tapos naka battery operated ka? or vice versa?, pag hindi pwede yung naka stator driven ka tapos naka battery operated ka, kasi yung spdt relay sa rectifier lang mag switch yung normal charge to fast charge?, sino naman ang nag switch ng battery operated to non battery operated? parang nakikita ko magsasalubong yung ac and dc eh kung hindi mo din lalagyan ng switch o relay yung paggagawan mo ng battery operated, parang nangyayari naka fix na siya as battery operated eh yung sa isang spdt relay para sa fast charge saka normal charge eh..
Kailangan talaga nakabattery operated mc bro , saka yong HID natin gumagana yan sa DC source kasi unstable ang AC supply galing ng magneto, hihina o lalakas ito depende kung mag rev tayo. Bago mo gawan ng automatic fast charge kailangan sigurado tayo na battery operated yan kasi pag nagswitch tayo into normal charge (icoconect ng relay yong yellow wire ay baka magsalubong ang AC galing magneto at DC galing rectifier at battery. baka BOOOOOM magyari dyan...hehe..:D
 
mhektheone

Super Veteran
Yong yellow bro sa headlight banda ikakabit yan yong # 86 sa relay, yong white sa ground yan ikakabit.
yong picture sa baba nya yan mo ikakabit yang yellow na yan. Supply ng relay yan.
anong ralay eto paps yan ba ang SPTD o socket...
 
thon

Super Veteran
anong ralay eto paps yan ba ang SPTD o socket...
Parang ordinary relay lang socket nyan na parang pang horn, may nabibili nyan sa mga automotive shop.
May normaly closed at normally open kasi yang SPDT. Yong ginagamit panghorn ay SPST , ang contacts nya ay normally open lang.
 
mhektheone

Super Veteran
Parang ordinary relay lang socket nyan na parang pang horn, may nabibili nyan sa mga automotive shop.
May normaly closed at normally open kasi yang SPDT. Yong ginagamit panghorn SPST lang yan at ang terminal nya ay normally open lang.
pero pwede din yan paps..?..anong pag kakaiba ng SPTD, POST ,, at Socket relay...alin ang better na gagamitin..medyo naguguluhan lang ako...
 
thon

Super Veteran
Parang ordinary relay lang socket nyan na parang pang horn, may nabibili nyan sa mga automotive shop.
May normaly closed at normally open kasi yang SPDT. Yong ginagamit panghorn ay SPST , ang contacts nya ay normally open lang.
pwede rin pala gamitin SPDT sa horn pero doon ka magkakabit sa normally open na contact/terminal.
 
Noah501

Super Veteran
Ito diagram ng hid connection bro.
View attachment 16692
yong picture ng HID na pinakita mo wala relay yan at fuse.
Gagana yan bro, baka sa relay connection kalang nagkaproblema.
Yong relay dyan bro kagaya ng relay ng ginagamit sa HORN yong contact nakakabit sa normally open na contacts.
Sir nalito po ako sa relay ng HID bibili pa ako ng bagong relay para sa trigger nya? Wala pa palang switch noh?Ngayon ko lang narealize ah.
San ko din banda itatap ang red wire ng ballast? Sa relay din?

Anu po pattern ng horn relay? Kasi nung nagtanong ako ng relay ang binigay naman sakin eh SPDT na relay. Di po ba yan pwede gamitin?
fast charger.jpg
 
thon

Super Veteran
pero pwede din yan paps..?..anong pag kakaiba ng SPTD, POST ,, at Socket relay...alin ang better na gagamitin..medyo naguguluhan lang ako...
Ang alam ko lang na relay bro ay pang automotive na ginagamitan ng connector at yong pcb mount na relay
regarding sa contacts naman merong relay na SPST,SPDT,DPDT . Kailangan mo lang kasing gamitin sa fast charger ay yong normally closed contact na pag nagkaroon ng supply ay mag oopen o puputulin nya ang contacts.
 
thon

Super Veteran
Sir nalito po ako sa relay ng HID bibili pa ako ng bagong relay para sa trigger nya? Wala pa palang switch noh?Ngayon ko lang narealize ah.
San ko din banda itatap ang red wire ng ballast? Sa relay din?

Anu po pattern ng horn relay? Kasi nung nagtanong ako ng relay ang binigay naman sakin eh SPDT na relay. Di po ba yan pwede gamitin?
View attachment 16711
@noah 501, pwede mo gamitin ang spdt relay, dyan mo connect yong red wire sa 87 at 30 then sa battery(yong 87a naman ang walang connection).
tapos yong supply gayahin mo nalang ginawa mo sa supply ng fast charger mo. doon ka rin kasi magtap ng supply doon sa may color blue. di kasi ako makapost ng picture dito sa trabaho. restricted kasi.hehe..
baliktad kasi fuction mo dyan na pag mag supply icoconect nya yong contacts..;)
Sayang yong kasamang relay nyan,di mo magagamit..
yong diode dyan sa relay nilagay ko yan pangontra ng back EMF pag nag off ang relay.
 
sniperyaz

Super Veteran
Kailangan talaga nakabattery operated mc bro , saka yong HID natin gumagana yan sa DC source kasi unstable ang AC supply galing ng magneto, hihina o lalakas ito depende kung mag rev tayo. Bago mo gawan ng automatic fast charge kailangan sigurado tayo na battery operated yan kasi pag nagswitch tayo into normal charge (icoconect ng relay yong yellow wire ay baka magsalubong ang AC galing magneto at DC galing rectifier at battery. baka BOOOOOM magyari dyan...hehe..:D
ah so between rectifier and magneto lang yon walang kinalaman yung battery operated so pwede siya magbattery operated even na naka stator driven?
 
Noah501

Super Veteran
Mejo kuha ko na sir. Yung blue po ba na galing headlight switch - 86 ang magiging trigger nya para magon (baliktad sa fast charger)? Itatap ko nalang sa fast charge na relay 86?
Kulang pala ako ng socket ng relay papabukas ko nanaman to.
 
yes bro, you got it right..;)
 
thon

Super Veteran
ah so between rectifier and magneto lang yon walang kinalaman yung battery operated so pwede siya magbattery operated even na naka stator driven?
Pag supply galing battery at rectifier ay DC, pag sa magneto naman AC. Pag nag battery operated kana, yong AC supply galing ng magneto na nagsusuply ng AC power sa headlight ay tinatanggal na (yellow wire) tapos doon ka magtap ng supply na galing sa battery (brown wire).battery operated.jpg
 
towendz

Super Veteran
Mga Sir.. Prang ang Bilis Bumaba ng Fuel Gauge ko.. sira na kaya ito ??.. nasisira po ba ang fuel gauge ??.. pero gumagana pa naman sya.. mabilis lang bumaba :confused:
 
BHER

baka mabilis kumain ng gas ?

check mo yung wire nya papunta sa fuel gauge baka nag loose lang
 
Noah501

Super Veteran
@noah 501, pwede mo gamitin ang spdt relay, dyan mo connect yong red wire sa 87 at 30 then sa battery(yong 87a naman ang walang connection).
tapos yong supply gayahin mo nalang ginawa mo sa supply ng fast charger mo. doon ka rin kasi magtap ng supply doon sa may color blue. di kasi ako makapost ng picture dito sa trabaho. restricted kasi.hehe..
baliktad kasi fuction mo dyan na pag mag supply icoconect nya yong contacts..;)
Sayang yong kasamang relay nyan,di mo magagamit..
yong diode dyan sa relay nilagay ko yan pangontra ng back EMF pag nag off ang relay.
Sir thon clarify ko lang po. Pwede ba iconnnect ang 30 sa brown wire ng ignition tulad nung sa yellow/red wire ng headlight switch? Kasi battery line naman po yun diba?
 
Status
Not open for further replies.
Top