the_one said:
awww c5 agen.. ano nangyari s utol mo paps??
Umaga nangyari Last Saturday. Pagod tapos wala tulog, may ihahatid na babae sa Pasig dko alam kung GF nya.
Before Petron C5 may malaking hukay dun may ginagawa para sa Tubig. 60 daw takbo, ayun dami gasgas nya sa katawan tapos wasak pants namamaga daw tuhod.
Yung RS Taichi na Red Jacket na binigay ko sa knya yung dati kong sinusuot dun sa babae nya pinasuot kaya sya puro galas AMFUFU. Yung babae sa kamay lang may galos kasi nga naka jacket. Yung KBC na Red White na Helmet na pinost ko d2 kasama yung Tecnic ayun gasgas, tibay nga nung pang labas nung KBC.
Hindi sya nag tetext kasi natatakot ata baka pagalitan ko dahil sa motor. Nung tinext ko ang reply ba naman sa akin MASAMA YUNG TAMA ng Motor. Sabi ko kinakamusta kita hindi yung motor, wag mo isipin yung motor madami mabibilhan ng piyesa nun. (Una pa inisip yung motor eh AMF bago yung sarili nya hahaha kulit!)
Sinabihan ko na dati yun na wag magmaneho ng sobrang pagod na, inaantok, walang tulog or puyat na puyat at lalo na kapag naka inom kahit isang bote lang.
So sana guys paalala lang ulit sa mga kawa riders.
Wag magmaneho ng sobrang pagod na, inaantok, walang tulog or puyat na puyat at lalo na kapag naka inom kahit isang bote lang.
Dko pa nakikita yung damage ng motor, andyan naman si Sir Rodger/Wingman sya na bahala dun sa kanila ko na lang papagawa if ever.