deadhungry
Super Veteran
oo nga anung klaseng spring gamit mo paps sorry ot po
ito un favorite part ni sir kayode eh, laging gusto tatabihan ng babes un mc nya para sa souvenir pix.hahahaha.. uu nga.. mas importante parin ung porma kaysa sa pabilisan.. dami chicks magpapapicture sau.. haha lalo na pag naka park ung motor mo haha

sa kasagsagan ng pangangampanya noon para sa presidential election ako'y na-atasang maging provincial campaign manager ng isang presidentiable..
isang araw, busy kami dahil pupunta ng davao ung kandidato namin.. pinakiusapan ko mga sniper boys para sumama sa convoy ng presidentiable (with allowance syempre)...
e2 na... nung sinundo namin ung kandidato sa hotel... nagkatabi kami ng parking nung isa hagad (traffic cop) na siyang marshal sa convoy...
tingin ng tingin agad sa motor ko.. tapos kinalabit ung isa pa niya kasama..
cop 1 : hehehehe... tol (sabi nya sa kapwa hagad)
cop 2 : pansin mo rin tol? hahaha!
pinabayaan lang namin... pero d nakatiis si pulis.. lumapit sa akin at sabi, "boy.. bading ka ba? bat pink yang motor mo.. at barbie pa ang design.. d ka ba nahihiya pag nagmomotor ka nyan?"
sabi ko; "sir trip lang po namin mga ka grupo ko yan.." umismid yung pulis at umalis...
nagsimula na ang convoy.. libot buong syudad... tapos ang ending dun sa Ateneo de Davao University...
xempre park kami lahat.. dun kami na assign magpark sa tambayan ng mga estudyante para magbigay din ng mga leaflets sa mga students..
d namin napansin tumabi rin pala sa grupo ang mga pulis na nanlait...
maya-maya, may nagpapasimple nang mga atenista na kumuha ng picture using their cp's... tapos d na nakatiis... ayun pinagkaguluhan na si barbie para magpa piktyur lang.. angkas dito.. posing dun.. peace sign dito.. wacky pose dun...
umalis uli ung convoy.. pumunta na kami sa resto para kumain (final leg).. nung magpark kami.. e2 na naman si mamang pulis... lumapit sa akin... abot tenga na ang ngiti... at e2 ang sinabi nya...
"SIR.... LANGYA... ASTIG NUNG MOTOR MO KANINA AH... PINAGKAGULUHAN NG MGA SEKSING ATENISTA..." at humirit pa siya... pamatay na linya... "OK KAYA PAG COLOR PINK ANG POLICE BIKE ANOH?"
o loko! sige manlait ka pa! hahaha!
e2 pala si barbie ko..
ahhhaaaaahhhaaaaaiiiiiii.....@blueboys (blueblink182 and bluesniper3906)
magkapatid ata kau eh.. hahaha!