Isang karanasan na naman (naalala ko lang)
SNIPER STEALS THE SHOW
Ang petsa ay hunyo 10, 2010...
Alas sais ng umaga nagsidatingan ang mga miyembro ng DAVNOR-Kapalong sa napag-usapang meeting point para sa isang ride papuntang boundary ng bukidnon at davao city...
masaya ang lahat.. hanggang sa mangyari ang trahedya mga sampung klometro ang layo bago marating ang destinasyon...
nagdesisyon ang grupong babalik na lang sa davao city at sundan ang nadisgrasyang kapatid na nasa hospital na...
eh nagkataon na nung araw na yun, kasalukuyan din palang ginaganap ang SUZUKI RAIDER WARS... ito'y isang drag race na exclusive for raiders only... ginanap ang event na to sa old airport ng Davao City...
Nung masigurado ng grupo na na settle na ang pasyente tumawag kami sa mga DSG (Davao Sniper Group)members then we asked them kung nanood ba sila ng drag race at sinabi naman nilang nandun nga raw sila sa old airport at nanonood ng RAIDER WARS...
Dahil nga sa wala na rin kaming magawa pa sa pasyente... nagdesisyon ang grupo na pumunta at manood na rin... (may bonus pa kasi nandun din daw si TRAXXAS nanonood).
Pagdating namin dun.. ang daming tao! Tapos naka raider lahat! Kami lang ang grupong naiiba ang motor! Aatras sana kami eh nakita na kami ng mga DSG members.. ang siste, sabi ng mga taga DSG... nandun sila sa kabilang dulo... at niyaya na kaming pumunta dun..
Ang problema nito... yung daan na two lanes... ang isang lane ang ginagamit para sa drag race..
ung isang lane naman na natitira ang dadaanan ng mga sasakyan at manonood.. tapos ung buong straight away punong-puno ng mga tao sa sidewalk.. so kung may motor ka... rarampa ka talaga sa harap ng mga tao...
sa isip namin.. patay! para tayong nag GATECRASH ng party ah... pero wala kaming magawa eh... andun na eh... so RAMPA!!! nung papasok pa kami.. naririnig talaga namin mga
KANTYAW nung mga lalake (kasi nga raider boys eh.. hehe) pero deadma na lang kami at dumiretso dun sa dulo para ma meet ang mga masters...
kayode with the masters ....... left to right :
kayode, traxxas-modifier, boldstardex, bombie, junex, jayjov
Pagkatapos ng dalawang oras, nagdecide ang grupo na aalis na at sabay sabay na kakain (kasama na mga taga davao city at gensan).. So dumami na lalo ang mga snipers na RARAMPA sa harap ng mga miron na puro raider fanatics....
HETO NA....
Nung dumaan kami sa harap ng mga tao.. heto ang maririnig mo...
BOYS :
"HAY, ANO BA YAN.... PANGET NG MOTOR NYO!!!"
GIRLS/CHILDREN/GIRLFRIENDS :
(KINIKILIG) "AY!!!! ANG GAGANDA NG MGA MOTOOOOR!!! ANG CUUUUTE!!! MAS MAGANDA PALA SNIPER KESA RAIDER!!! AYYY!!!"
Ang rason....kung babae ka.. dadaan ba naman sa harap mo mga motor na ang design ay...
barbie (pink), hello kitty (pink), blossom (pink), bubbles (light blue), buttercup (green) + 2 PSP (blue and green) and other stock colors pero neat ang accesories.. d ka kaya magkanda duling sa paglalaway mo at maiisnab ang raider ng bf mo? un ang nangyari nung araw na yun....
suzuki philippines :
grrr! gumastos tau ng malaki for this event pero nanakawin lang ng yamaha ang spotlight!!!
yamaha philippines :
hehehehehe... thank you t135 boys!!!
once again...
RAIDER = SPEED (according to them.. hehe)
SNIPER = LOOKS and SPEED (+ the raider boy's gf admiration)