Mr.Yozo said:
isa pa:
ang tawag ko dito eh square type principle. bakit? ganito lang po explanation ko.
kung ang size ng piston ay mas malaki kaysa sa stroke, ang motor is more on acceleration rather than top speed. best example is r150
62.0 mm > 48.8 mm
bore and stroke
kung ang size naman ng piston ay mas maliit kaysa sa stroke, ito naman is more on top speed than acceleration. best example is t135
54.0 mm < 58.7 mm
bore and stroke
pero kung gagawin mong same ang size ng bore and stroke dito mo masasabi na magiging balance lang ang acceleration and top speed ng isang motor. best example is t135 with vixion kit
57.0mm = 58.7 mm
bore and stroke
kaya kung observe nyo ay bakit mas malakas ang t135 with vixion kit compare sa r150 pero pareho lang sila ng displacement. ito siguro ang sagot.
sir coment ko lang sa post mo na ito ha....
since pag malaki kasi ang bore which means mataas ang compression. at maiiksi ang stroke means it rev a lot. high reving engine kung baga.
kaya pag ang specs ay 62.0 mm > 48.8 mm ibig sabihin high reving engine at mataas ang torque. it can have ang powerfull acceleration and top speed kasi madali nito maatain ang redline. magkakatalo nalang ito sa tranny setup pag close ratio ba o hindi.
sa t135 naman since 54.0 mm < 58.7 mm sya which means low rev pero high torque low to mid range ito. mas malakas ang torque nito yun nga lang mababa ang rev kaya every gear mahaba ang ratio ng gear. ang benefits lang nito kahit low rev ang engine mataas pa rin ang torque nyahindi nagbabago. di gaya sa short stroke na kailangan laging mataas ang rev para di magbago ang torque during uphill. just sharing my knowledge correct me if i have wrong learning.