May mga bike dealers (like norkis) talaga na isang susi lang ang ibinibigay kapag installment binili ang motor. Naiiwan sa dealer ang isang susi para in case na hindi mabayaran ang inutang na motor, pwede nila itong batakin kahit saan kasi nga nasa kanila pa ang isang susi. Sa cash basis purchase lang ibinibigay yung 2 original keys.
On the other hand, kapag installment basis ang motor, hindi pwedeng hindi naka-comprehensive ang insurance ng motor. Buffer protection kasi ito para sa owner at sa financng company na rin. Wala pa kong alam na dealer na pumapayag na TPL lang ang insurance kapag financing scheme ang term of purchase. Please correct me if I'm wrong about this.
Mas nakawin ang mga motor na wala pang plaka kasi pag nag-report sa pulis ang nanakawan, walang maibibigay na plate number. Hindi basta-basta mapapansin ng mga pulis na nakaalarma ang motor kasi nga wala pang plaka.
As an added precaution, wag nyong ilalagay sa loob ng motor ang mga dokumento nito katulad ng OR/CR o Sales Invoice para in case ma-checkpoint ang motor, wlang maipapakitang papeles yung nagnakaw ng motor.
At any rate, mabuti na ring hindi nalabasan ni TS yung motor habang ninanakaw ito. Baka may nangyari pang mas grabe kung nagkataon. Lahat ng magnanakaw ng motor, laging armado at papatay yang mga yan kapag nasukol.