• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

To All T135'rs

jeo

Member
:dance:LAKAS NG ISANG AMA

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lapad ng kanyang mga balikat.
Ito’y nadarama sa higpit ng kanyang mga yakap.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lagong at lakas ng kanyang boses.
Kundi sa marahan niyang tinig.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng kanyang mga kabarkada.
Ito’y sa kung paano siya makisama sa kanyang mga anak.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung paano siya tinitingala ng kanyang mga ka-opisina. Ito’y sa kung paano siya iginagalang sa tahanan.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung gaano siya katindi sumuntok.
Ito’y sa mapagmahal niyang haplos.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lago ng buhok sa kanyang dibdib.
Ito’y sa laki ng pusong tinitibok ay pag-ibig.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa bigat ng kanyang binubuhat.
Ito’y sa mga kabigatang kaya niyang bathin.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng babaeng kanyang pina-ibig.
Ito’y kung gaano siya katapat magmahal sa kanyang natatanging kabiyak.

HAPPY FATHER'S DAY TO ALL TATAY, DADDY, PAPA, AMA OF T135 FAMILY!:dance:
 
Top