• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Yamaha T135 BULACAN Chapter Part IV

Fiat_01

Super Veteran
- a great loss to bulacan chapter at sa buong T135 family..my deepest condolences to the family of rpacia..masyadong biglaan tong nangyari..
 

rspayumo

Super Veteran
Nalulungkot at nanghihinayang ang buong Bulacan T135 Chapter sa pagkawala ni RPACIA. Binuhay nya ang Bulacan Chapter. Matyaga syang nag set ng mga EB kahit na alam nyang 3 lang kami nila Jeffrix ang aattend. Hindi sya nagsawa sa kaka-text sa lahat ng miyembro ng Bulacan Chapter sa mga updates ng activities ng grupo. Hindi rin sya nawalan ng pag-asa sa lahat ng miyembro namin sa pagpapa-alaala ng mga rides na pinaguusapan naming 3 kahit na karamihan sa mga rides na yun, hindi sya nakasama. Hindi mawawala sa isip namin yung 50% na sagot nya sa dinner namin sa tuwing may EB. Hindi rin namin makakalimutan ang Bataan escapade naming 3 nila Jeffrix. Na todo reklamo pa kami ni Jeffrix sa layo ng bahay ng asawa nya sa Mariveles, Bataan.

Maaaring nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa inyo at maging sa amin na magkaroon ng problema kay RPACIA. Lalong lalo na sa issue ng T-shirt. O maaaring sa mga rides na sya ang nag-set pero hindi sya nakasama. Pero ngayon ko lang narealize na kahit hindi man sya nakasama, tinawag man namin syang barbero o kung ano pa man, malaki ang naitulong nya sa Bulacan Chapter na makasalamuha ang ibang Chapter dito sa T135. Sya ang gumawa ng paraan para magkasama sama tayong lahat.

Salamat, Kaibigan! Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa grupo natin at sa buong T135 Family. Sa mga kulitan at tawanan, sa mga asaran at yabangan at sa mga dapat mo pang plano sa grupo. Salamat! Kung nasaan ka man, dyan ka na lang, wag mo na kaming dalawin. Humingi ka ng R1 kay BRO!​
 

macoolet

Super Veteran
sya pa naman madalas ko kausap before,ngorganizeng bulacan chapter na 1st ko umattend ng EB and sa pagwelcome...sayang...pero ganyan talaga buhay...lht nmn tyo dun din pupunta...paraparaan lang...RIP pre...
 

chappy80cc

Super Veteran
@leadman at odick- sa shell vargas na ko makikipag kita sa mga tiga manila.. may susunduin kasi ako sa airport bukas ng gabi eh.. sa marikina ko manggagaling sa sabado..
 

acidrain

Super Veteran
Nalulungkot at nanghihinayang ang buong Bulacan T135 Chapter sa pagkawala ni RPACIA. Binuhay nya ang Bulacan Chapter. Matyaga syang nag set ng mga EB kahit na alam nyang 3 lang kami nila Jeffrix ang aattend. Hindi sya nagsawa sa kaka-text sa lahat ng miyembro ng Bulacan Chapter sa mga updates ng activities ng grupo. Hindi rin sya nawalan ng pag-asa sa lahat ng miyembro namin sa pagpapa-alaala ng mga rides na pinaguusapan naming 3 kahit na karamihan sa mga rides na yun, hindi sya nakasama. Hindi mawawala sa isip namin yung 50% na sagot nya sa dinner namin sa tuwing may EB. Hindi rin namin makakalimutan ang Bataan escapade naming 3 nila Jeffrix. Na todo reklamo pa kami ni Jeffrix sa layo ng bahay ng asawa nya sa Mariveles, Bataan.​

Maaaring nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa inyo at maging sa amin na magkaroon ng problema kay RPACIA. Lalong lalo na sa issue ng T-shirt. O maaaring sa mga rides na sya ang nag-set pero hindi sya nakasama. Pero ngayon ko lang narealize na kahit hindi man sya nakasama, tinawag man namin syang barbero o kung ano pa man, malaki ang naitulong nya sa Bulacan Chapter na makasalamuha ang ibang Chapter dito sa T135. Sya ang gumawa ng paraan para magkasama sama tayong lahat.​

Salamat, Kaibigan! Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa grupo natin at sa buong T135 Family. Sa mga kulitan at tawanan, sa mga asaran at yabangan at sa mga dapat mo pang plano sa grupo. Salamat! Kung nasaan ka man, dyan ka na lang, wag mo na kaming dalawin. Humingi ka ng R1 kay BRO!​
isa sa di ko makakalimutan na ginawa sa akin ni rpacia, sya ang kauna unahan na taga t135 na nag txt at bumati sa aking ng merry xmas last Dec. 2010
 

JhayBoo

Super Veteran
vrooooooooooooooom!!!
see you guys on saturday morning....

@harrish
any update bro? sama kba? pa update nlng ang list sa ride... thanks ride safe!
 

rspayumo

Super Veteran
Galaw galaw mga paps!

Please join us on Saturday!

Pacia, wala lang. Wala na ko magalaan sa gabi kapag wala ako magawa.
Pero wag mo ko gagalain. Bobombahan kita. Hehe!
 

JhayBoo

Super Veteran
Galaw galaw mga paps!

Please join us on Saturday!

Pacia, wala lang. Wala na ko magalaan sa gabi kapag wala ako magawa.
Pero wag mo ko gagalain. Bobombahan kita. Hehe!
galaw2 namn guys,, kng andto c rpacia, malamang my update kagad kau.. wag nyo na hntayin na c rpacia pa ang gumalaw galaw sainyo..hehehehe....

lapit na ride natin... gsto ko na mkta c randy, for sure na mag da2la ako ng shade, at dko maiiwasan na d ako lu2ha..:(
 
Top