• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Yamaha T135 BULACAN Chapter Part IV

zcbitik

Super Veteran
tuloy ba tong friday mga fafa? para kung sakali makadaan.. pilitin ko mag motor ng friday para makadaan ng barko :)

up up up up!!!
 

zcbitik

Super Veteran
lem bakit ang daming checkpoint now sa malolos? kahit dun sa diversion road papuntang hagonoy? pwede rin cabanas kaso may mapwestuhan kaya tayo? daming tao dun lagi eh :)
 

lemuel14leann

Super Veteran
lem bakit ang daming checkpoint now sa malolos? kahit dun sa diversion road papuntang hagonoy? pwede rin cabanas kaso may mapwestuhan kaya tayo? daming tao dun lagi eh :)
hindi ko nga din alam boss eh, siguro kasi magpapasko, maraming masasamang loob o nanghihingi din mismo sila ng pamasko, mga nag-iipon.. hehe..
 

rspayumo

Super Veteran
Sure na po EB sa Friday, 7pm to 7:30pm po ang meeting time!
Barko, Marilao, Bulacan

Eto na po mga nagconfirm na pupunta.

1. rspayumo
2. ebol
3. jeffrix
4. leadman
5. odick
6.

@zcbitik
Paps, join ka na!

@Lemuel
Minsan lang naman to, try mo magpaalam.
 

lemuel14leann

Super Veteran
Matanong lang mga paps na taga-tabang, guiguinto, balagtas, bocaue at marilao, wala bang checkpoint sa gabi sa mga dadaanan papuntang marilao? Kasi paso rehistro ng motor ko tapos hindi pa nakapangalan sakin yung motor pero naka-open deed of sale naman.. Baka kasi macheck-point, magkaaberya pa, mabawasan agad lifeline ko.. Haha..
 

zcbitik

Super Veteran
mga pap's baka di na ako makasunod :( sabay pala nung eb natin yung xmas party namin :( sorry guys kahit humabol ako malamang di ko na kayo abutan :(...sad gusto ko pa naman mameet si papa rs :)

by the way mga till what time ba kayo tumatambay dun mga fafa? baka sakaling andun pa kayo :)
 

lemuel14leann

Super Veteran
ingat kayo mga boss sa kita kits.. hindi ako pinayagan ng asawa ko eh.. minsan lang ito, hindi pa nakasama, next time na lang mga boss..
 

zcbitik

Super Veteran
malas natin lem ako naman nasabay sa xmas party di pinadala motor ko at baka daw di lang semplang abutin ko....natatakot na wife ko eh kasi ung 1st semplang ko nasipa ako ng kabayo (RH BEER) :D

sayang naman ang pagkakataon minsan lang mag invite si sir rs :(
 

lemuel14leann

Super Veteran
oo nga paps eh.. hehe.. kita mo naman nung kinuha ko carbs ko na pinasuyo sayo, mcdo lang, kasama ko wife ko, ayaw ako nun umaalis mag-isa eh, lalo pa malayo.. hehe..
 
Top