mga kapatid malapit na ang bagong taon. mag bagong buhay na tayong lahat..
Tandaan: Ang lahat na nasusulat at inyong mababasa ay isang paalaala lamang sa tao o sa atin pong lahat na ang Diyos na Makapangyarihan ay may Sampung Utos na dapat po natin sundin, bigyan ng pansin at huwag babaliwalain.
Ang Sampung Utos
1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat ng bagay.
2. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay ng kapwa mo tao.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
10. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag- aari.
*****6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa! (Thou shalt not commit adultery.)
Huwag kang makiapid sa di mo asawa, mga kapatid ang mag-asawa ay walang makapaghihiwalay nino man kundi ang kamatayan lang po. Ang makiapid sa di mo asawa ay kasalanan po sa Diyos mga kapatid. Ang pag-aasawa ay hindi po biro hindi ito isusubo na pag-hindi mo nagustohan ay iyong iluluwa, ang pag-aasawa ay pinag-iisipan at pinag-hahandaan sa taong mahal mo. Ang pag-aasawa ay hindi dahil sa makamundong laman. Ang pagsasama po ng isang lalaki at isang babae ay inihahanda ang kanilang sarili sa Diyos para sa pag-iisang dibdib, at ito po ay kinukonsagra o may bendisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga pari sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, nang sa gayon ang biyaya at pagpapala sa mag-asawa ay sumakanila magpakailanman.
Kasalanan po ito mga kapatid ang makiapid sa di mo asawa, isa itong malaking dagok sa buhay, mamalasin ka, magkakasakit ka kung hindi sa iyo mangyayari sa mga anak mo o sa asawa mo na dati mahal na mahal mo o di kaya’y babagsak ang iyong kabuhayan, maghihirap ka. Nang nag-iba na ang itsura ng asawa mo tumaba dahil nasa bahay lang lagi, sa pag-aasikaso sa gawaing bahay, pag-aasikaso sa iyo bilang asawa mo at sa mga anak mo o nakita mo ang tunay na ugali nito na hindi pala maganda ay aayawan mo na at maghahanap kana ng iba, doon pa sa may asawa rin, huwag po mga minamahal kung mga kapatid mahalin mo ang asawa mo kung sino man siya, kung ganun ang ugali ng asawa mo mahalin mo siya, may dahilan ang Diyos kung bakit yan ang babae o lalaki na binigay sa iyo na mapangasawa mo.. Alam po nating lahat na kasalanan ito kaya huwag na po nating gawin mga kapatid, huwag nating sisirain ang magandang buhay na binigay ng Diyos sa inyong mag-asawa, huwag natin hahadlangan ang pag-pasok ng magandang biyaya ng Diyos sa atin, ganun din sa kinabukasan ng ating mga anak.
*****9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa! (Thou shalt not covet thy neighbor's wife.)
Kasalanan po mga kapatid ang magnasa sa hindi mo asawa, dahil sinisira mo ang maganda at sagradong pagsasama ng pinag-isa ng Diyos sa pamamagitan ng sacramento ng kasal, at tanging mag-asawa lang po ang pinahintulutan ng Diyos na gawin ang mga bagay na ito para mag-karoon ng supling ang mag-asawang pinag-isa niya. Para maiwasan natin ang mga bagay na ito na pagkakasala ng kaluluwa natin ay iwasan o huwag po kayong manonood ng mga pornographic movies, pictures o mga kasama nitong babasahin. Sa mga kababaihan naman ay huwag po kayong mag-susuot ng mga pinagbabawal ng Diyos na damit tulad ng mga maiikling damit, shorts, sando, mini skirt at iba pa. Upang maiwasan ang mga ganitong pagkakasala ng tao sa buong mundo.