Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng bahagya na maulap na kalangitan. Katamtamang hangin mula sa silangan hanggang sa timog-silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay katamtaman ang magiging pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 22 hanggang 33 antas ng Sentigrado (72°F hanggang 91°F).
Ang Katimugang Luzon, Kabisayaan at ang Mindanao ay makakaranas ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat samantalang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Timog-silangan ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at magmumula naman sa Silangan at Hilagang-silangan ang iihip sa Katimugang Luzon, Kabisayaan at Mindanao at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula sa silangan at timog-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.