• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

YZONE ortigas GRAND OPENING (2-13-2010)

elyouch

Super Veteran
share ko lang experience ko sa y-zone

last friday (Mar19'10) nag punta ako sa y-zone para mag pa tune-up ng sniper ko..
maaga ako umalis sa bahay and I’m from Makati, kaya malapit lang din.
dumating ako dun 10:45am. at that time 2 stx ang service nila so hintay muna ako.

Conversation namin ng Yamaha staff:
Staff- sir ano gagawin dyan sa motor nyo
Me- major tune up sir
Staff- eh wala pang 10k km ito sir e, di pa pede yan
Me- bakit? Mag isang taon nayan next month, kaya gusto ko pa major tune up
Staff- dapat kasi nasa 10k km na ung odo para e major tune up, ito lang pede gawin dyan (pakita ng checklist na gagawin)
Staff- pero sir kung gusto mo major tune up mag add ka ng 689 bali naka less na yan kasi may coupon ka naman.
Me- (dahil sa 500 lang ang pera ko) sabi ko cge wag na lang. kaya ginawa nila ung checklist dun sa coupon lang.

Binigay nung staff dun sa mekaniko ang motor ko. Pinanuod ko yung mechanic kung ano ginagawa. after 15mins tapos na ang ginawa niyang “CHANGE OIL” tapos pihit pihit sa carb. Un lang
Binigyan ako ng service invoice para bayaran sa cashier ung langis
Nakalagay dun sa service na ginawa nila clean carb, adjust valve clearance, clean spark plug, motorcycle wash etc. (mga 10-15 different services un e)

Lumapit ako sa staff na kausap ko kanina sabi sir bakit ang dami nakalagay dito na service e change oil lang naman ginawa ng mekaniko. Sabi niya e kasi sir wala pa nga kayo sa 10k km (napa-iling na lang ako)
Tinanong ko ulit, sabi dito sir motorcycle wash, di nyo naman hinugasan motor ko. Sagot niya sa akin gusto mo sir ipa wash natin. Sabi ko ngaun pa, dahil napuna ko.
umiling iling ulit ako

nag bayad na lang ako sa cashier
Ung token pala na binigay sa akin para e rate mo yung service nila, hinulog ko sa average.
Kaya average dahil ung staff sa showroom masikaso sila.
Pero ung sa part ng mechanic service nila
Nakakadismaya.

Ang matindi pa nito after ng pihit pihit ng siraniko este mekaniko sa carb ko, ung idle ko sobrang bumaba..
kaya namamatay pag trapik and nuetral, pinataasan ko na lng sa insan ko pag uwi ko.
Actually ung motor ko kaka change oil lang e. wala pa ata 1k km after ko mag change oil.
Nag try lang ako kung ma experience ko ung feedback ng ibang yamaha rider sa Y-Zone, they say na maalaga daw talaga tapos hugasan pa motor mo after mo mag pa service. Nasa isip ko dahil siguro sa bagong bukas sila kaya ganun ang naunang service nila.

My final input:
Hindi sapat ung dahil sa malaki at magarbo ung shop kaya binabalikan at recommended ng mga customer.
Majority na feedback sa y-zone lahat positive, huwag sana hayaan ng management ng
y-zone na dumami pa kami na mag post ng negative about sa kanila.

AT THIS MOMENT I WON’T RECOMMEND THE SERVICE OF Y-ZONE DAHIL SA EXPERIENCE KO SA KANILA,.


Ride safe po!!!
 

Sidro

Super Veteran
nakuuuu, e kung ganyan sa Y-zone na. e panu pa kaya kpag nasa 3'S kalang? katulad nangyari sa akin. haaay, buti na lang ala me masyado alam sa motmot kaya pirma na lng agad ako sa cuopon khit hindi ko alam kung anu yung pinagagawa ng magicnics este mechanic... hehehe,
 

elyouch

Super Veteran
chappy80cc said:
hinde tiga puslit ng spare parts nila.. in short mandurugas hehehehe
kung ganyan applyan mo.. dun ka kay pekz mag pasa ng resume
mas malaki madudugas nyo.. cold cash pa..
sa bangko yan si pekz e..hihihi
 
Top