yumi_arlene said:
mga sir magtatanong lang po, naka manual po kasi akong sniper, kapag nag ignition po ako hindi po umiilaw ang park light ko pero kapag nag start na ang engine kong umaandar tsaka lang po sya umiilaw di gaya ng automatic na sniper kahit naka ignition palang umiilaw na park light. ganun po ba talaga ang pagkakaiba ng manual at automatic? bago lang po sa pagmomotor.
Medyo confused ako sa tanong mo brod kasi naka A/C sniper ako. Pag naka ON pa lang ang ignition ko, di pa nakailaw ang park lights ko. Iilaw lang ang park lights ko pag naandar na ang makina ko.
Iisa lang ang naiisip kong dahilan sa sinabi mo na pag automatic clutch naka on agad ang ilaw kahit ignition pa lang ang naka on. Baka kc yung nakita mong automatic sniper na ganun, naka rekta ang linya ng park lights niya sa battery. In short, baka modified na ang electrical ng ilaw ng motor. Usually kasi, dumadaan sa magneto ang mga ilaw natin kaya kung mapapansin mo, pag hinihila natin ang throttle, lumalakas ang headlight, tail lights at park lights natin. Signal lights ang pwedeng paganahin kahit di pa naandar ang makina.
The reason why hindi direkta ang linya ng mga ilaw natin sa battery is to prevent additional load on the battery during start-up. Malakas kumuha ng power ang starter at kung isasabay pa ang kunsumo ng mga ilaw sa starter, mahihirapan na ang battery.
@ Guys, baka may additional inputs pa kayo, let us help a friend here.