• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

Pa_share Lang Po Ako.... My Snipee!!!!!

ricky0822

Super Veteran
kingsly oo dun ako nagpagawa rear set ko hehehe.. ang alam ko my share sya dun

medyo malayo ung shop ni reactor dun looban diko lng alam exact addresse pero madali lang puntahan
 

ricky0822

Super Veteran
hindi bro.. taga sta rita ako :D

sa baliwag lang ako madalas magpunta kapag meron ako gustong bilin o ipagawa para kay snipeee;)

kapag naman mag change oil dun ako kay philip nagpapagaw sigurado alam mo un

philmar ang name ng shop sa may sta barbara.
 

ricky0822

Super Veteran
ho ho nga ehh!!!:thumbsup:
bro baka ikaw meron ka alam na bracket para sa rear disc
like ko kase gamitin ung front stock rotor ko..
 

ricky0822

Super Veteran
To all T135 member...

Gusto ko lang po sana ikuwento ang aksidenteng nangyari sa akin araw ng biyernes hunyo 8'2012
habang ako ay bumabaybay sa kahabaan ng mc-arthur highway sakop ng balagtas bulacan pauwi galing sa trabaho
mangyari po ako ay sumadsad ng hindi ko kagustuhan... may nadaanan kasi akong buhangin na naging sanhi ng aking kalbaryo..
sa bilis ng aking takbo ako ay sumadsad ng ubod ng haba... at nang ako ay magkamalay at nagising napakarami ng mga tao sa paligid
ko at tinanong kung ayos ang kalagayan ko.. syempre di ako makasagot ng maayos dahil nung mga oras na yun ako ay nalulunod sa sarili kong dugo..bumubulwak sa aking ilong at bibig at sa dami ng dugong umaagos sa akin medyo dun na ako natakot na baka maubusan nako ng dugo at tuluyang manghina ang katawan ko ehh... hindi p ako umabot kung saan man mmerong ospital na malapit-lapit... kaya nagdesisyon akong kunin ang motor at subukang paandarin at sakyang muli para makarating kung saan man merong ospital..
awa ng dyos.. nakarating naman ako at nabigyang ng unang lunas ng mga doktor... XRAY.. injection.. gamot... at nang ako ay nasa emergency nakuha ko pang kunan ang sarili ko dahil alam ko na hindi maganda ang nangyari sa mukha ko..

View attachment 19588View attachment 19589View attachment 19590

at ang sabi ng doktor na tumingin sa akin ay kailangan ko daw ma CTSCAN.. kaya nagdesisyon na ako ay ilipat ng ospital..
na-confine ako sa sacred heart sa malolos bulacan ng (6) araw at nang lumabas ang resulta...
View attachment 19591View attachment 19592

na ang aking kaliwang mukha ay nagtamo ng hindi maipaliwag nabasag ang cheekbone at naapektuhan din ang aking mata na nag sanhi ng paglabo ng paningin...habang binabasa ng doktor ang resulta ng CT-scan.. at sinabi pa nang una ay GOOD NEWS
BUO ang utak ko...
ang sabi ng doktor ay kinakailangan nang agarang operasyon.

malaking gatos ang kinakailangan para ako ay maoperahan...

at dahil sa di makakayanang gastos napilitan munang mag dalawang isip kung saan makakamura at awa ng may kapal
dahil sa kinakailangan ng operahan nailipat na naman ako ng ospital nadala ako sa Pasig RMC at dun nga po ako naoperahan
after ng operation

Grabeeee sobrang sakit ang naramdaman ko noong ako ay nagkamalay na..

View attachment 19593


ako ay nilagyan ng bakal (titanium) at makalipas ng dalawang araw ng pagpapagaling sa ospital ako ay inilabas na sa ospital at umuwi sa bulacan..

after 2wks ng pagpapagaling ...

View attachment 19594
2012-06-26 08.57.02.jpg


salamat sa poong may kapal at ako ay naririto pa sa mundong ibabaw..

lubos ang aking pasasalamat sa aking mga kaibigan,pamilaya at sa aking pinagta-trabahuhan dahil sila ang tumulong para makabayad sa malaking ginastos sa operasyon ko...

Kaya sa aking mga ka-T135...!

ang aking hiling ay MAG-IINGAT PO TAYO LAGI... kung ang ating MOTOR ay dala natin sa araw araw..

Sadyang ang aksidente ay hindi natin alam...

eka nga... " RIDE SAFE " a simple word but it works...!!

thank you t135....
 

nyr0

Super Veteran
it's nice to have you back sir.. parehas pala taung survivor... aq last year aug.11 pero e2 trpleng ingat na.. san pla kau sa bulacan?
 

jangbest

Moderator
Pangalawang Buhay mo na eto bro ...... God Bless bro at hanggang ngayon kasama ka pa din namin dito sa T135 .....
At salamat din sa mga advice it helps well .......
 
Top