To all T135 member...
Gusto ko lang po sana ikuwento ang aksidenteng nangyari sa akin araw ng biyernes hunyo 8'2012
habang ako ay bumabaybay sa kahabaan ng mc-arthur highway sakop ng balagtas bulacan pauwi galing sa trabaho
mangyari po ako ay sumadsad ng hindi ko kagustuhan... may nadaanan kasi akong buhangin na naging sanhi ng aking kalbaryo..
sa bilis ng aking takbo ako ay sumadsad ng ubod ng haba... at nang ako ay magkamalay at nagising napakarami ng mga tao sa paligid
ko at tinanong kung ayos ang kalagayan ko.. syempre di ako makasagot ng maayos dahil nung mga oras na yun ako ay nalulunod sa sarili kong dugo..bumubulwak sa aking ilong at bibig at sa dami ng dugong umaagos sa akin medyo dun na ako natakot na baka maubusan nako ng dugo at tuluyang manghina ang katawan ko ehh... hindi p ako umabot kung saan man mmerong ospital na malapit-lapit... kaya nagdesisyon akong kunin ang motor at subukang paandarin at sakyang muli para makarating kung saan man merong ospital..
awa ng dyos.. nakarating naman ako at nabigyang ng unang lunas ng mga doktor... XRAY.. injection.. gamot... at nang ako ay nasa emergency nakuha ko pang kunan ang sarili ko dahil alam ko na hindi maganda ang nangyari sa mukha ko..
View attachment 19588View attachment 19589View attachment 19590
at ang sabi ng doktor na tumingin sa akin ay kailangan ko daw ma CTSCAN.. kaya nagdesisyon na ako ay ilipat ng ospital..
na-confine ako sa sacred heart sa malolos bulacan ng (6) araw at nang lumabas ang resulta...
View attachment 19591View attachment 19592
na ang aking kaliwang mukha ay nagtamo ng hindi maipaliwag nabasag ang cheekbone at naapektuhan din ang aking mata na nag sanhi ng paglabo ng paningin...habang binabasa ng doktor ang resulta ng CT-scan.. at sinabi pa nang una ay GOOD NEWS
BUO ang utak ko...
ang sabi ng doktor ay kinakailangan nang agarang operasyon.
malaking gatos ang kinakailangan para ako ay maoperahan...
at dahil sa di makakayanang gastos napilitan munang mag dalawang isip kung saan makakamura at awa ng may kapal
dahil sa kinakailangan ng operahan nailipat na naman ako ng ospital nadala ako sa Pasig RMC at dun nga po ako naoperahan
after ng operation
Grabeeee sobrang sakit ang naramdaman ko noong ako ay nagkamalay na..
View attachment 19593
ako ay nilagyan ng bakal (titanium) at makalipas ng dalawang araw ng pagpapagaling sa ospital ako ay inilabas na sa ospital at umuwi sa bulacan..
after 2wks ng pagpapagaling ...
View attachment 19594
salamat sa poong may kapal at ako ay naririto pa sa mundong ibabaw..
lubos ang aking pasasalamat sa aking mga kaibigan,pamilaya at sa aking pinagta-trabahuhan dahil sila ang tumulong para makabayad sa malaking ginastos sa operasyon ko...
Kaya sa aking mga ka-T135...!
ang aking hiling ay MAG-IINGAT PO TAYO LAGI... kung ang ating MOTOR ay dala natin sa araw araw..
Sadyang ang aksidente ay hindi natin alam...
eka nga... " RIDE SAFE " a simple word but it works...!!
thank you t135....