• If your have CLUB EVENTS/RIDE & would like to announce it here,
    Message traxxas-modifier about it :-)

RIP Rpacia

Status
Not open for further replies.

JhayBoo

Super Veteran
guys ang ride april 3 saturday pa check nlng po ng forum, and medyo awkward toh pero mag solicit ako ng money para sa family ni rpacia.. thanks!
 

X1rCJ

Super Veteran
REST IN PEACE BRO RPACIA!

kelan lang, na-meet at nakausap kita..dami ng nagtext sa akin diko alam kung ano magiging reaksyon ko dahil sa mga nabasa ko, natulala ako at parang na-blank isip ko at sabay tanong "BAKIT?" at halos di ako nakapag-reply sa mga nagtext sa akin..we'll miss the good memories being with you..Godspeed!

IN BEHALF OF RPM Chapter, CONDOLENCES FOR THE FAMILY HE LEFT, WE'LL MISS YOU BRO!

mga papz, inform nyo kame kung ano ang plans or dates..TY
 

red_is_karma

Super Veteran
a very dear friend and brother... bait nitong tao na to! we had knwon each other sa text dahil sa bodykit ng x1r na di natuloy... after nun regular na kami mag ka-txt for updates sa mga rides, mods at EB nila... sana mas nakasama ka pa namin ng mas matagal... a very nice person indeed has left us... may your soul rest in peace and my deepest condolences to your family...
In behalf of the Manila Chapter, our hats off to you Mr. RPACIA!!! may you have a peaceful journey to GOD! you will be surely missed and you will stay in our hearts forever!!!
 

JhayBoo

Super Veteran
REST IN PEACE BRO RPACIA!

kelan lang, na-meet at nakausap kita..dami ng nagtext sa akin diko alam kung ano magiging reaksyon ko dahil sa mga nabasa ko, natulala ako at parang na-blank isip ko at sabay tanong "BAKIT?" at halos di ako nakapag-reply sa mga nagtext sa akin..we'll miss the good memories being with you..Godspeed!


mga papz, inform nyo kame kung ano ang plans or dates..TY
April 2 SATURDAY ang ride para kay rpacia,
pa check nlng po toh for details: http://www.yamahat135.com/threads/l...cia-rpacia-bataan-mariveles.6655/#post-279158
thanks
 

JhayBoo

Super Veteran
a very dear friend and brother... bait nitong tao na to! we had knwon each other sa text dahil sa bodykit ng x1r na di natuloy... after nun regular na kami mag ka-txt for updates sa mga rides, mods at EB nila... sana mas nakasama ka pa namin ng mas matagal... a very nice person indeed has left us... may your soul rest in peace and my deepest condolences to your family...
In behalf of the Manila Chapter, our hats off to you Mr. RPACIA!!! may you have a peaceful journey to GOD! you will be surely missed and you will stay in our hearts forever!!!
@red
very well said bro! we will surely miss our dear brother RANDY PACIA a.k.a RPACIA, april 2 ang ride bro...sama mo mga manila chapter bro..tia! ride safe
 

rspayumo

Super Veteran
Nalulungkot at nanghihinayang ang buong Bulacan T135 Chapter sa pagkawala ni RPACIA. Binuhay nya ang Bulacan Chapter. Matyaga syang nag set ng mga EB kahit na alam nyang 3 lang kami nila Jeffrix ang aattend. Hindi sya nagsawa sa kaka-text sa lahat ng miyembro ng Bulacan Chapter sa mga updates ng activities ng grupo. Hindi rin sya nawalan ng pag-asa sa lahat ng miyembro namin sa pagpapa-alaala ng mga rides na pinaguusapan naming 3 kahit na karamihan sa mga rides na yun, hindi sya nakasama. Hindi mawawala sa isip namin yung 50% na sagot nya sa dinner namin sa tuwing may EB. Hindi rin namin makakalimutan ang Bataan escapade naming 3 nila Jeffrix. Na todo reklamo pa kami ni Jeffrix sa layo ng bahay ng asawa nya sa Mariveles, Bataan.

Maaaring nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa inyo at maging sa amin na magkaroon ng problema kay RPACIA. Lalong lalo na sa issue ng T-shirt. O maaaring sa mga rides na sya ang nag-set pero hindi sya nakasama. Pero ngayon ko lang narealize na kahit hindi man sya nakasama, tinawag man namin syang barbero o kung ano pa man, malaki ang naitulong nya sa Bulacan Chapter na makasalamuha ang ibang Chapter dito sa T135. Sya ang gumawa ng paraan para magkasama sama tayong lahat.

Salamat, Kaibigan! Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa grupo natin at sa buong T135 Family. Sa mga kulitan at tawanan, sa mga asaran at yabangan at sa mga dapat mo pang plano sa grupo. Salamat! Kung nasaan ka man, dyan ka na lang, wag mo na kaming dalawin. Humingi ka ng R1 kay BRO!
 

Fiat_01

Super Veteran
- nalungkot tlga ko upon hearing this news bwt paps rpacia..masyadong biglaan to..a great loss to bulacan chapter at sa buong T135 family! my deepest condolences..we luv u paps..u'll stay in our hearts forever..
 

JhayBoo

Super Veteran
Nalulungkot at nanghihinayang ang buong Bulacan T135 Chapter sa pagkawala ni RPACIA. Binuhay nya ang Bulacan Chapter. Matyaga syang nag set ng mga EB kahit na alam nyang 3 lang kami nila Jeffrix ang aattend. Hindi sya nagsawa sa kaka-text sa lahat ng miyembro ng Bulacan Chapter sa mga updates ng activities ng grupo. Hindi rin sya nawalan ng pag-asa sa lahat ng miyembro namin sa pagpapa-alaala ng mga rides na pinaguusapan naming 3 kahit na karamihan sa mga rides na yun, hindi sya nakasama. Hindi mawawala sa isip namin yung 50% na sagot nya sa dinner namin sa tuwing may EB. Hindi rin namin makakalimutan ang Bataan escapade naming 3 nila Jeffrix. Na todo reklamo pa kami ni Jeffrix sa layo ng bahay ng asawa nya sa Mariveles, Bataan.

Maaaring nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa inyo at maging sa amin na magkaroon ng problema kay RPACIA. Lalong lalo na sa issue ng T-shirt. O maaaring sa mga rides na sya ang nag-set pero hindi sya nakasama. Pero ngayon ko lang narealize na kahit hindi man sya nakasama, tinawag man namin syang barbero o kung ano pa man, malaki ang naitulong nya sa Bulacan Chapter na makasalamuha ang ibang Chapter dito sa T135. Sya ang gumawa ng paraan para magkasama sama tayong lahat.

Salamat, Kaibigan! Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa grupo natin at sa buong T135 Family. Sa mga kulitan at tawanan, sa mga asaran at yabangan at sa mga dapat mo pang plano sa grupo. Salamat! Kung nasaan ka man, dyan ka na lang, wag mo na kaming dalawin. Humingi ka ng R1 kay BRO!
c RPACIA
ito yung taong mahangin, mayabang na tao pero sobrang bait, ito yung taong makulet,corny pero masarap kasama, ito yung taong punong puno ng pangarap para sa t135, bulacan chapter at lalong lalo na sa family nya... pare kng asan ka man ngyn loko ka, sumuko ka kagad, hndi na tuloy ang pag inum natin pare..pero wag ka mag alala ang su2nod na iinumin kung alak ay para sayo pare! kaw pa! loko ka kse eh... ride safe bro! nga pla tol bantayan mo kse sa lahat ng ride namn ah! godbless pare!
 

Mono

Super Veteran
Condolence sa mga kaibigan at kapamilya ni Sir RPacia..

Rpacia
Salamat sa naiwan mong alaala.. Kahit t-shirt lang 'to pangako paps,aalagaan namin tong mabuti. Munti man pero nagbigay ito ng malaking kahulugan sa T135 Brothers!
Ride safe bro..hanggang sa muli..paalam sir..
 
Status
Not open for further replies.
Top