Nalulungkot at nanghihinayang ang buong Bulacan T135 Chapter sa pagkawala ni RPACIA. Binuhay nya ang Bulacan Chapter. Matyaga syang nag set ng mga EB kahit na alam nyang 3 lang kami nila Jeffrix ang aattend. Hindi sya nagsawa sa kaka-text sa lahat ng miyembro ng Bulacan Chapter sa mga updates ng activities ng grupo. Hindi rin sya nawalan ng pag-asa sa lahat ng miyembro namin sa pagpapa-alaala ng mga rides na pinaguusapan naming 3 kahit na karamihan sa mga rides na yun, hindi sya nakasama. Hindi mawawala sa isip namin yung 50% na sagot nya sa dinner namin sa tuwing may EB. Hindi rin namin makakalimutan ang Bataan escapade naming 3 nila Jeffrix. Na todo reklamo pa kami ni Jeffrix sa layo ng bahay ng asawa nya sa Mariveles, Bataan.
Maaaring nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa inyo at maging sa amin na magkaroon ng problema kay RPACIA. Lalong lalo na sa issue ng T-shirt. O maaaring sa mga rides na sya ang nag-set pero hindi sya nakasama. Pero ngayon ko lang narealize na kahit hindi man sya nakasama, tinawag man namin syang barbero o kung ano pa man, malaki ang naitulong nya sa Bulacan Chapter na makasalamuha ang ibang Chapter dito sa T135. Sya ang gumawa ng paraan para magkasama sama tayong lahat.
Salamat, Kaibigan! Sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa grupo natin at sa buong T135 Family. Sa mga kulitan at tawanan, sa mga asaran at yabangan at sa mga dapat mo pang plano sa grupo. Salamat! Kung nasaan ka man, dyan ka na lang, wag mo na kaming dalawin. Humingi ka ng R1 kay BRO!