UPDATE ON MY MODIFICATION
Friday afternnon
Thanks to paps macoolet sa carb.
- Nag half day na naman sa work para maitono yung sniper ko
Palit ng stock carb galing daw sa 150cc, pag install sa sniper ko ayun
Pugak pugak parin, sinubukan itono, BIGO parin,
- May dala din akong big carb, bumuli ako ng manifold plastic extension
dahil hindi ubra yung isang carb, gusto ko sanang i pa try yung big carb, problem yung plastic connector hindi pwede mas malaki yung tenga nya kaya hindi lalapat sa manifold ng sniper. Naisa uli ko naman yun connector.
- Pero yung overheat warning nawala na, dahil lang pala sa sensor sa carb, konting pihit ok na.
- pero ganon pa man umuwi ako ng luhaan.
Saturday (hindi pamakali pag may sira si sniper)
- Imbis na pumasok, diretso sa dating mikaniko (ibang mechanic na ito, ka club ko before, certified kawa mechanic)9am palang nasa shop na ako. Ayun haba na pila 11am na nahawakan si sniper ko.
- Baklas lahat ng fairing, check clearance, adjust.
- Di ko naitanong yung clearance, pero sa tingin ko nag liit sya, kasi humina yung lagitik ng cam.
- Thanks god hindi pala sira yung Stock carb ko, no need to buy a new one ^_^, konting kalikot lang pala ang kaylangan.
FIRST TEST=same effect nabibilaukan blok, blok, blok.
Check yung timing kung ok, then test same parin.Naka ilan check sya.
Kinuha nya yung duration yata o timing ng cam, pina ikot nya yung sa gilid ng crack case, sabi nya try natin i "ADVANCE SETTING". so ginawa nga nya, ganon pa rin, sinubukan nya naman yung RETIRED (tama ba spelling?) una alanganin sya baka tumukod, pero mukhang hindi naman daw, sinukat nya yata o kinapa yung galaw ng balbula sa lagayan ng spark plug gamit ang philip screw. Then testing ganon parin pugak pugak.
-Inabot kami ng ilang oras, so ito sabi nya
pag pu pugak pugak ibig sabihin "SUBRA bigay ng gas" "Pag pugak na ayaw umandaw, KULANG sa gas. HE decided na mag rejet, gulat ako kala ko maglalaki, binabili ako ng jetting pang toyota daw 25pesos size 90 wow,
-After ma ilagay, GANDA ng rev, sabi ko mukhang ok na, pag test ko hahaha ayaw umarangkada, baklas ulit sabi nya "ALAM ko na".
"BALIK natin sa dating clearance from RETIRED to stock", baklas din carb, may nilagay syang kulay orange sa karayom, then testing WOW gumanda kumpara kahapon, nawala yung grok grok grok, medyo kinakapos lang.
Baklas carb, sa karayom meron palang 3 gatla dun na pwede mong i adjust, isa isa yung ginawa nya, adjust test pag panget adjust ulit tapos test. IN SHORT HINDI KO NABILANG KUNG ILANG BESES BINAKLAS YUNG CARB KO. Nangyari pa sa kaka adjust sumubra naman yung sakal kaya baklas ulit adjust ulit. inabot kami ng 6pm sa pag tono ng carb
Ang RESULT success, hahahaha nasa tono na ulit.
SENSYA na ang haba,natuwa lang ako at para mag ka idea din yung iba.
LESSON?
1. mahirap mag hanap ng MAGALING at matiyaga na mekaniko.
2. Mahirap itono ang naka OPEN PIPE, VALVE SPRING, CAM kung NAKA STOCK CDI lang. So mas maganda talaga r.cdi+ valve spring ka na muna.
Sensya na kung mahaba natuwa lang ako